taratsilipin


New Year’s Resolution
December 30, 2007, 9:09 am
Filed under: new years resolution

     Sabi nga nila ang pagbabago ay nakasalalay din sa iyo. Ang tanong magbago nga kaya ako, dahil nakasalalay ito sa akin? Magulo? di ko rin nagets ang sinabi ko. Simulan na natin ang New year’s resolution list ko na sana magawa ko.

 1. Di naku gaano iinom ng alak- Oo. Lumalaki na ang tiyan ko. Dapat magkasya na ulit yung mga pantalon at shorts ko sa akin. Dapat sexy na ulit next year. *achuchu*

2. Magaaral naku ng mabuti- Kung kelan naman graduating naku, dun ko pa naisip magaral ng mabuti. Baliktad talaga utak ko.

3. Mag-eexercise naku- Syempre dapat mapreserve ko ang hubog ng aking katakam takam na katawan.  Tatakbo ako ng 1 oras sa may Quezon City Circle at magbibisikleta.

4. Di na me tatahimik- Kapag ayaw ko. Ayaw ko. Kapag gusto ko. Gusto ko. Lagi ko kasi iniisip ang kapakanan ng iba. Baka mahurt feelings nila. Ngayon magpapakatotoo naku. Magiging palaban naku! *echoz*

5. Magmamakeup naku at bibili na ng mga girly dress- Yes. you hurt it right. Maglalagay naku ng blush on at lipstick. Girl naku. Kaya yung mga babae jan na type ako. BABAE PO AKO. di me pumapatol sa girl. San kaya ako bibili ng make-up kit?

6. Career first. Before Luvlife.- Wala naman talaga ako lovelife since pinanganak ako, pero alam kong madaming patay na patay sakin. kapal ba?.

7. Papakabait naku- Parang si Lavinia.

8. Magiipon naku- Promise. This time magiipon naku. Di na me magiging gastadora. Ano kaya mabili mamaya?

9. Magtratrabaho me after makapasa ng board- Wish me luck guys!! sana makapasa kahit june or december board man yan.

10. Magaaral magluto at tutulong sa gawaing bahay- Magaaral me magsaing at magluto ng mga ulam. Haha.. Para pwede na magasawa.. haha  Joke lang..

       Ayun na lang muna, pero yung iba sa akin na lamang. Ito na ang huling post para sa Taon na toh. Babalik ulit muna ako sa bahay ko www.walongbote.co.nr MANIGONG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!!!



Piso Mo, Tulong MO.
December 27, 2007, 7:24 am
Filed under: blog, donation, give a life, spring board foundation

       Springboard Foundation

     This Foundation is a charity build for Less fortunate Filipinos.

        

       Kung ikaw ay naglalakad patungo sa iyong magarang trabaho o kaya naman sa isang kilalang Unibersidad, Ano nga naman sa iyo kung makakita ka ng P 1.00 sa daan. Ang maliit na sentimong ito ay walang halaga para sa iyo dahil sa malaki naman ang tinatanggap mong pera na hindi kayang higitan ng pisong baryang mapupulot lamang sa daan. Ngunit para sa mga batang kapus-palad na nagpapalaboy sa daan, ang pisong ito ay katumbas ng isang pandesal na tinapay na maaari ng makatulong pantawid gutom sa nangangalam na sikmura.  

       Ang www.springboard-foundation.org ay nangangalaga at tumutong sa mga kapus-palad sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga eskwelahan, daycare centers, Pagpapaunlad ng mga medical facilities para sa mga bata, micro-loans para sa mga nanay, at proyekto na tumutulong sa mga naabanduna at inabusong mga bata. Ang foundation na ito ay nagmimithi:

 

§         Empowering people to help themselves

§         Creating healthy, nurturing environments

§         Promoting growth within the environment of the family

§         Supporting schools, health care centers, orphanages and homes for street children.   

        Malaki ang maitutulong ng kaunting barya na maibibigay mo para sa mga bata at mga ina ng tahanan. Maganda ang misyon ng foundation na ito, Bilang isang mamayanan na sumasali sa mga charitable projects, Ako po ay kumakatok sa inyong mga puso na bisitahin nyo ang website nila at magbigay ng tulong http://springboard-foundation.org/how_to_help.htm Lalo na sa lahat ng mga Web bloggers na nagaari ng sarili nilang domain. Kaunti lamang ang hinihingi nila. Sana ay suportahan natin ang organizasyon na ito.

 



Maligayang Pasko!
December 24, 2007, 5:13 am
Filed under: Christmas, Pagbati, blog

            Mula sa hypothalamus at sa aking buong sistema, pigain pa ang buong intestine. Binabati ko kayo ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon! Heto ang aking munting regalo, na pinagkahirapan ko pang kunin mula sa alaga  kong si garfield at si Odie.

Merry Christmas!! From: jeniffer/walongbote



BSN IV-C Christmas party
December 22, 2007, 6:59 am
Filed under: blog, buhay, kolehiyala | Tags: , ,

Hindi ako makapag log in sa mismo kong blog <a href=”http://walongbote.co.nr”>walongbote</a> nagloloko na naman ang internet connection ko.  Hindi ko tuloy malagyan ng bagong post, mabuti  na lamang ay nandito ang <a href=”http://taratsilipin.wordpress.com”>Taratsilipin</a>  ang aking bagong bahay.       

 Kahapon ay masayang dinaos ang aming Christmas party sa bahay ng kaklase naming si Patrick sa Filinvest. Bago pa kami nakarating sa kanila ay matinding pagod, pawis, perwisyo at inis ang aming inabot. Una matagal na naluto ang manok, dahilan kung bakit ang alas-3 ng hapon na pagkikita ay naging alas-5. Hindi kasi maluto ang manok sa kaserola, kaya inilipat namin sa kawali na sa palagay ko ay dapat nung una pa lamangg ay naisip na nila. Umorder kami ng anim na kahon ng pizza, isang malaking bilao ng pansit, lumpia, Tig isang kahon ng tsokolate cake at mocca, inihaw na tilapia, puto, bicol express at nagsaing ng kanin. Naiwan at nahuli kami ng aming presidente na si tobie kasama si molig at len sa abangan ng sasakyan sa tapat ng USTE. Dahil hindi kami kasya sa fx lahat. Dalawang oras kami bago nakarating sa bahay nila patrick dahil sa kung saan saan kami dinaan ng manong driver ng taxi na dahilan ng matinding traffic na aming inabutan sa philcoa.  Sa sobrang pagod at gutom na inabot naming apat ay dinaan ko na lamang sa biro ang mga linyang ”Alam mo iyong gutom ko, nandito na!!” mula sa orihinal na script ng ”Sakal, sakali, saklolo” malapit ng ipalabas sa inyong mga sinehan.                     

Kahit na huling huli na kami nakarating ay masaya pa rin kaming hinintay ng mga kaklase namin. Salamat naman ay may naabutan pa kaming pagkain, dahil hindi pa pala sila nagsimulang lumamon. Pagkatapos ng kainan ay naglaro kami ng aming mga kaklase ng ”pantomine games”. Nagkaroon din ng inuman ngunit hindi na rin ako nagtagal pa, dahil sa gusto ko na ring umuwi. Hindi na ako nakasama sa kanilang overnight. Narito pala ang letrato ng aming section.

BSN IVC

 <br>sino kaya yung naka yellow?



no shy on cam
December 20, 2007, 11:03 am
Filed under: blog, buhay, kolehiyala | Tags: , ,

Naaalala ko pa ang huli kong pagpapakuha ng letrato sa harap ng isang photographer, malapit na apat na taon na rin ang lumipas. Ito ay nung nag pictorial kami para sa graduation nung Highschool. Mahiyain ako sa kamera kapag isang photographer ang kukuha, nacoconsicious kasi ako. Pero ngayon ay naulit na naman itong muli, ngunit tulad nga ng lagi nilang sinasabi kapag ang isang tao ay nagiging matanda na, nagiging makapal na ang mukha. haha.. Ngayon ay hinarap ko ang photographer ng buong ”POISE”. Excited ako magpakuha ng letrato kagabi pa lang at talagang itoy pinaghandaan ko. Panay ang ngiti ko sa kamera upang kumuha ng magandang angulo na babagay para sa grad pic. Ko. Ito na kasi ang huling pictorial na mangyayari sa aking huling pagaaral.

Masyadong magastos ang graduation para sa mga nursing, una sa lahat mahal ang tuition fee namin. Pangalawa dalawang beses kami gumagraduate, ito ay ang pinning and ring ceremony na tinatawag naming clinical graduation na nakasuot pa kami ng gaila uniform at ang kinabukasan nun ay ang over all graduation na nakasuot kami ng toga. Pangatlo required kami bumili ng professional ring na para sa akin naman ay talagang mahalaga dahil ito ay isang paalala na ito ang aking propesyon na pinili. Pangapat mahal ang bayad para sa review para sa board exam, required kami mag in-house review. Panglima mahal ang pagdadausan ng aming graduation, Panganim bago kami makagraduate ay sandamakmak na requirements ang ipagagawa na kinakailangan gumastos ng malaki. Ito ay hindi ko nilalahat sa ibang nursing school, ito ay ang bayaran lang sa aming unibersidad, haha.. at siyempre ito ang usapan ng buong madla ang ”PICTORIAL”.

Bukod kasi sa naka toga kami at naka maria clara na outfit, meron pang pwedeng idagdag na package ito ang creative shots. Masaya ito kasi nakasuot ka ng mga kakaibang damit tulad ng fairy, angel, cowboy, egyptian, japanese, harry potter at kung anu ano pa. Gusto sana ng aking mother na piliin ko ang cowboy, pero sabi ng mga bading na taga make-up sakin ay mas bagay daw akong fairy (hayup!) hehe.. pang fairy pala ang beauty ko.. Nung una ay nagkakaturuan pa kami kung sino ang mauunang magpakuha, pero syempre mahiyain nga ako sa photographer kaya pinauna ko na sila. Dahil sa nahuli ako at wala namang nakatinging iba, nagposing ako ng walang hiya hiya haha.. Naisip ko kasi, sige! Minsan lang ito.. bakit di ko pa karirin ang pagiging isang ”DIYOSA NG MT. MAKILING”.. haha..

Dahil nga sa ”UBER” ang pangangarir ko, pagkatapos ko magpakuha sa photographer ay kinuhanan ko pa ang sarili ko gamit ang kamera ng pon ko. Siyempre nais ko ito ay inyong makita rin, dahil sa WALA NA AKONG HIYA.. haha..

bisitahin nyo na lang yung friendster ko, njan yung pic.. hehe..



taratsilipin (re-opening)
December 15, 2007, 11:34 am
Filed under: buhay, kolehiyala

              Diba’t parang kelan lang ay nagsisimula pa lang ako sa aking mga pangarap? Pangarap na hanggang ngayon ay pinagsusumikapan ko, upang mabigyan ng kasiyahan ang mga tao gayut din ang aking sarili. Matagal tagal na rin ang dumaan na panahon, marami na ring napagdaanan, at dahil sa matinding pananalig sa kanya ay aking nalampasan ang dagundong ng buhay. Datapwat ito ay isa pa lamang simula ng aking hinahangad na makamtan, at kung sa iyong palagay ay marami pa akong kakainin na bigas.. Maaari mo bang ituro sa akin kung paano ko sisimulan ang pagkain ng bigas? Na ang pagkakaluto ay hindi maging isang tutong o kaya ay hilaw na kanin. Nais ko na ang pagkakaluto sa sarili ay katulad ng isang sinaing na mabangot, masarap at makahulugan.

Kung ang lahat ng tao ay mamatay at lilipas din. Sana ay matutunan ko at malaman ang kahulugan ng buhay. At kung ito man ay malabo, bigyan sana ng daan ang nanlalabong mata, akayin upang hindi madapa at gabayin sa tamang landas. Sa pagbubukas ng panibagong simula sana ay maging makabuluhan ang lahat ng ito. ”TARAT SILIPIN” at samahan ako sa aking mga pangarap.

Opisyal ko ng binubuksan ang bagong blog na ito …
www.taratsilipin.wordpress.com

                                                

”Patuloy akong makikipagsabayan sa haba nitong daan.. hanggat sa maabot ko ang aking pangarap” -jsa08